RH bill suportado ng INC, ilang paring Katoliko
MANILA, Philippines - Taliwas sa pagkontra ng Simbahang Katoliko, nagpahayag naman ng suporta sa Reproductive Health (RH) bill ang religious group na Iglesia ni Cristo (INC).
Nakasaad sa ipinadalang liham ni INC executive minister Eduardo Manalo na may petsang Oktubre 12,2010 kay Rep. Rogelio Espina, chairman ng House Committee on Population and Family relations, suportado nila ang panukalang batas hanggang walang immoral na elemento dito.
Paliwanag sa liham ni Manalo, suportado nila ang RH bill dahil ito ay “moral imperative” para sa mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak at magbigay ng pagkain,tirahan, damit,edukasyon,relihiyon at moral training.
Bukod dito may moral obligation din umano ang mga magulang na mag plano kung ilan ang kanilang nais na maging anak sa ilalim ng kanilang kontrol subalit nakalagay umano sa bibliya na ang mga magulang na hindi makapag bibigay ng pangangailangan ng kanyang mga anak ay mas masahol pa sa hindi nakakakilala sa Diyos.
Nilinaw din ng ministro ng INC na hindi nila sinusuportahan ang natural family planning method at lahat ng kahalintulad nito dahil hindi lamang umano ito unnatural at ineffective kundi isa din itong immoral dahil taliwas ito sa kautusan ng Diyos na ibinibigay sa mga mag-aasawa.
Taliwas naman sa Simbahang Katoliko kung saan hindi sila pabor sa probisyon na artificial birth control methods tulad ng condoms at birth control pills at tanging ang sinusuportahan lamang nila ay ang natural family planning methods sa mga mag-aasawa.
Samantala, inamin din ng Simbahang Katoliko na may ilang mga pari sila na sumusuporta sa RH bill.
- Latest
- Trending