^

Bansa

6 OFWs sa Libya, nasagip!

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Anim na OFW na iniulat na dinukot at na-trap ng 23 araw sa Zitlin, west Misurata habang kasagsagan ng digmaan sa Libya ang nasagip.

Pinangunahan nina DFA Sec. Alberto del Ro­sario, Foreign Affairs Usec. Rafael Seguis at Ambassador Alejandrino Vicente ng Embahada ng Pilipinas sa Tripoli, Libya ang rescue operations sa limang Pinay nurses na sina Evangeline Garcia, Evjoalyn Calam, Ca­therine Galue, Valerie Joy Ventura, Celeste Cambangay at Pinoy engineer na si Vincent Sanchez.

Sina del Rosario at Seguis ay nagtungo sa Libya noong Martes Santo upang sagipin ang mga Pinoy.

Isang Pinay nurse na nagtangka umanong luma­bas sa kanilang kampo ang binaril ng isang sni­per at sinuwerteng nakaligtas matapos na ang tamaan ay ang hawak-hawak nitong powdered milk.

Nabatid na dinala ang mga Pinoy nurses sa isang ligtas na lugar ng armadong tropa ng gob­yerno matapos nilang gamutin ang mga sugatang sun­dalo. Bilang pagtulong sa kanila ay dinala naman umano sila sa isang ligtas na lugar hanggang sa mapadpad sa Ziltin at nanatili ng 23 araw dito.

“Out of humanitarian compassion, the nurses risked their lives to treat the wounded soldiers. Ms. Garcia and Ms. Calam said that they had to break into an abandoned pharmacy across the street to get medicines and tools to treat and even perform surgical procedures on the casualties,” anang DFA.

vuukle comment

AMBASSADOR ALEJANDRINO VICENTE

CELESTE CAMBANGAY

EVANGELINE GARCIA

EVJOALYN CALAM

FOREIGN AFFAIRS USEC

ISANG PINAY

MARTES SANTO

MS. CALAM

PINOY

RAFAEL SEGUIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with