DOTC pikon na sa taxi drivers
MANILA, Philippines - Pikon na ang Department of Transportation and Communication sa mga taxi drivers na namimili at nangongontrata ng mga pasahero.
Ayon kay DOTC Undersecretary Dante Velasco, nitong nakalipas na paggunita ng Mahal na Araw ay binaha ng reklamo o tawag ang DOTC action center hinggil sa pangongontrata ng mga taxi driver na kadalasang nangyayari tuwing “rush hour”.
Sabi ni Velasco, kung kailan dagsa ang mga tao sa mga bus terminal, pantalan, paliparan at iba pang matataong lugar ay doon tumatanggi ang mga taxi driver na magsakay ng mga pasahero at nangungontrata.
Bunsod nito, inutusan ni Velasco ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan na nasa ilalim ng superbisyon ng DOTC na paigtingin ang kanilang kampanya na tinawag na “Oplan Isnabero”.
Magpapalabas din sila ng 30 mobile patrol car na magbabantay sa mga abusadong driver sa mataong lugar tulad ng malls, airport, seaports at bus terminal.
Sinumang nakaranas ng pangongontrata ng mga abusadong taxi driver ay maaaring magreklamo sa DOTC Action Center Hotline 7890 o tumawag sa 09172470385/ 09192227462.
- Latest
- Trending