^

Bansa

Paglaban sa katiwalian, Easter message ni PNoy

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Natuon pa rin sa pag­­laban sa katiwalian ang Easter message na ipina­labas kahapon ni Pa­ngulong Noynoy Aquino.

Ayon sa Pangulo, ma­laki ang maiaambag ng bawat Filipino upang ma­labanan ang katiwalian na magiging daan umano upang matapos na ang kahirapan.

“Bawa’t isa sa atin ay may maiaambag sa pagtuldok sa katiwalian upang maisalba sa hirap at pasakit ang marami nating kababayan. Sa pamama­gitan lamang nito, mararamdaman ng bawat Pilipino ang tunay na liwanag ng pagbabago,” pahayag ng Pangulo.

Sinabi rin ng Pangulo na hindi nagtatapos sa pagwawakas ng Semana Santa ang pananalig ng bawat isa sa Panginoon.

Muli rin nanawagan ang Pangulo na dapat ay matutong magkawanggawa ang mga mama­mayan.

“Sa pagwawakas ng Semana Santa, hindi sana magtapos dito ang ating taimtim na pananalig sa Panginoon. Ipagpatuloy natin ang pagtupad sa Kaniyang mga aral at lalo pa nating paigtingin ang ating pagkakawanggawa,” anang Pangulo.

Ang pananampalataya at ang pagkakaisa umano ang susi upang mala­banan ang mga problemang sanhi ng korupsiyon.

Dapat aniyang gamitin ang Pasko ng Pagkabuhay upang maging inspirasyon para sa tunay na pagbabago.

vuukle comment

AYON

BAWA

DAPAT

IPAGPATULOY

KANIYANG

NOYNOY AQUINO

PANGINOON

PANGULO

SEMANA SANTA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with