Mainit na panahon babalik 'pag nawala ang cold front

MANILA, Philippines - Babalik sa mainit at malinsangang panahon ang klima sa bansa laluna sa Metro Manila sakaling mawala na ang cold front na nararanasasan sa bahagi ng Northern Luzon.

Sinabi ni Manny Mendoza, weather forecaster ng PAGASA, posibleng umabot pa sa 36 degrees Celsius ang temperatura kasama na ang Metro Manila laluna kung nagpatuloy ang hangin mula sa silangan.

Noong Miyerkoles, naitala ang maximum na init ng panahon sa 34.8 degrees Celsius sa Kamaynilaan at kahapon ay  nasa pagitan ng 25 hanggang 35 degrees Celsius.

Nagpaliwanag din ang PAGASA sa naranasang pag-ulan ng yelo sa bahagi ng Nueva Viscaya bunsod ng sobrang init ng panahon ay nangyayari talaga ang pag-ulan ng yelo na ga-holen ang laki.

Kapag mainit na mainit umano ang panahon sa tinawag na surface of the air, ang tendency ng water vapor ay mag-evaporate ng mabilis na mabilis.

Nade-develop ang mga clouds at ice crystals hanggang maging cumulu-nimbus cloud.

Dito na nabubuo ang mga yelo sa taas na kung sinabayan umano ng malakas na hangin ay siyang bumabagsak na yelo sa isang lugar tulad ng nangyari sa Nueva Viscaya at kasama na ang ilang lugar sa Eastern Visayas at parte ng Eastern Mindanao.

Samantala magdadala pa rin ng mga pag-ulan ang intertropical convergence zone sa bahagi ng Eastern Mindanao at Eastern Visayas, at gayundin sa Northern Luzon dahil sa cold front.

Show comments