Taal patuloy sa pagpapakita ng abnormalidad
MANILA, Philippines - Patuloy na nagpapakita ng abnormalidad ang Bulkang Taal sa lalawigan ng Batangas.
Sa nakalipas na magdamag, 13 pagyanig ang naitala ng Phivolcs kung saan ang isa ay may kalakasan na pumalo sa intensity 3 at naramdaman ng mga residente sa Barangay Calauit habang intensity 1 naman sa Bgy. Pira-piraso.
Tumaas din ng bahagya ang temperatura sa main crater ng bulkan na umabot sa 31.5°C mula sa 30.5°C noong Miyerkoles.
Patuloy naman ang pamamaga ng lupa sa paligid ng bulkan batay sa isinagawang survey ng Phivolcs.
Nakataas pa rin sa alert level 2 ang Taal at ipinagbabawal ang pagtungo sa main crater, Daang Kastila Trail at Mt. Tabaro.
Samantala, patuloy din na nagpaparamdam ang bulkang Bulusan sa Sorsogon.
Ayon sa Phivolcs, nakapagtala sila ng walong pagyanig sa nakalipas na magdamag.
Nananatiling nasa alert level 1 ang Bulusan.
- Latest
- Trending