UNTV, Mr. Public Service humakot ng parangal
MANILA, Philippines - Kinilala ang UNTV at Mr. Public Service, ang mga official websites ni Kuya Daniel Razon, dahil sa paghakot ng pinakamaraming boto sa katatapos na 12th Philippine Web Awards sa RCBC Plaza sa Makati City.
Ang people’s choice awards ay napunta rin sa UNTV’s number 1 kasangbahay, Bro. Eli Soriano at ang kanyang organisasyong Members Church of God International.
Ang website ni Bro Eli na www.esoriano.wordpress.com ay tumanggap ng People’s Choice award for Blogs category, habang ang Church of God International’s official website, www.mcgi.org ang nagwagi sa Corporation, Foundation and Organization category.
Ang nasabing mga award ay naging regalo ni Bro. Eli para sa kanyang pang-47 taon sa pagsisilbi sa Panginoon at sambayanan.
Sinabi ni Bro. Fred Cabanilla, MCGI officer- in-charge, na ang mga parangal ay produkto ng pagod at paniniwala ni Bro. Eli sa Panginoon.
Sapul noong 2002, mula sa 2,000 website entries, ang grupo ni Bro. Eli ay nakakuha ng maraming Philippine Web Awards.
Samantala, ang www.untvweb.com ng UNTV ay kinilala naman bilang pinakapopular na website matapos makatanggap ng 2 million votes. Nakuha rin nito ang people’s choice award in the news, zines and entertainment category.
Tinanggap naman ni Kuya Daniel Razon ang people’s choice award in Personal category para sa kanyang website na www.danielrazon.com.
- Latest
- Trending