MANILA, Philippines - Umaaray na ngayon ang mga magtitinda ng baboy at manok sa mga palengke at pamilihan dahil sa matumal na bentahan ng karne nito ngayong Mahal na Araw.
Ayon sa mga negosyante ng karne ng baboy at manok, wala na halos bumibili ng kanilang paninda kahit pa sinubukan nilang ibaba ng P5 ang halaga ng naturang mga karne.
Sadya anilang mahina ang bentahan nila ng karne ng baboy at manok kayat napipilitan silang lumipat muna sa pagbebenta ng gulay, isda at seafoods na mas patok ngayon para kahit paano ay kumita.