Coast Guard may bagong hepe
MANILA, Philippines - Itinalaga kahapon ni Pangulong Aquino bilang bagong Philippine Coast Guard (PCG) Vice-Admiral si Ramon Liwag matapos magretiro si Admiral Wilfredo Tamayo.
Sinabi ng Pangulo sa kanyang mensahe sa pagreretiro ni Adm. Tamayo, naibalik nito ang tiwala ng taumbayan sa PCG dahil sa kanyang tuwid na pagseserbisyo.
Inaasahan naman ni PNoy na itutuloy ni Liwag ang naumpisahan ni Tamayo na liderato sa PCG.
Pinayuhan din ng Pangulo si Liwag na huwag itong magpapahila sa tukso bagkus ay maglingkod ng marangal.
Wika pa ni Aquino, sa likod na limitado lamang ang resources ng PCG ay nagagampanan pa rin nito ang kanilang tungkulin na bantayan ang baybaying dagat ng bansa mula sa masasamang elemento.
Pinuri din ni PNoy ang PCG dahil sa mabilis nitong pagresponde at pagtulong sa mga biktima ng bagyo, baha at mga kalamidad sa kabila ng kakulangan nila sa modernong kagamitan.
Si Liwag ay mananatiling PCG commandant sa loob ng 11 buwan bago ito tuluyang magretiro. Miyembro si Liwag ng PMA Class ’79.
- Latest
- Trending