^

Bansa

10 pagyanig naitala sa Taal volcano - Phivolcs

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Sampung pagyanig ang naitala sa paligid ng aktibong bulkan ng Taal sa nakalipas na 24 oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, bagama’t bumaba ang naitalang pagyanig mula dito ay hindi naman sapat para dalhin na sa mababang level ang alerto sa lugar na nasasakop nito.

Base sa talaan ng Phivolcs, ang 10 pag­yanig ay naramdaman pasado alas 7:32 ng umaga kung saan isa sa mga ito ay naramdaman sa intensity 3 na may mahina lamang pag-uga Sabado ng hapon.

Ang intensity 3 ay naramdaman ng mga residente sa Barangay Pira-Piraso at Intensity 2 sa Brgy. Calauit ganap na alas 4:28 ng hapon.

Kaya naman nanatili pa rin sa Alert Level 2 ang Taal Volcano na may interpretasyong ang magma ay maa­ring manghimasok patungo sa ibabaw, dahil sa nakitang carbon dioxide na inilalabas ng pinakabunganga ng lawa at aktibidad ng pagyanig.

Muling inabisuhan ng Phivolcs ang residente na ang Main Crater, Daang Kastila Trail at Mt. Tabaro ay mahigpit na ipinagbabawal o off-limits  dahil sa biglaang pagbuga ng mapanganib na singaw bunga ng pagsabog at mataas na konsentrasyon ng toxic gases na maa­ring maipon.

Dagdag pa dito, ang paglanghap umano ng mataas na konse­n­trasyon ng gases ay maaring makamatay sa tao, hayop, at makasira sa halaman.

Sabi pa ng Phivolcs, ang buong isla ng bulkan ay itinuring na Permanent Danger Zone (PDZ), at ang permanenteng pagtira sa isla ay hindi inire­rekomenda.

vuukle comment

ALERT LEVEL

AYON

BARANGAY PIRA-PIRASO

DAANG KASTILA TRAIL

MAIN CRATER

MT. TABARO

PERMANENT DANGER ZONE

PHILIPPINE INSTITUTE OF VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY

PHIVOLCS

TAAL VOLCANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with