Pagiging state witness nina Joc-joc, Cito Lorenzo OK sa Malacañang

MANILA, Philippines - Pabor ang Malacañang kung magiging state witness at may bagong sasabihin sina dating Agriculture Sec. Cito Lorenzo at Undersecretary Jocjoc Bolante hinggil sa fertilizer fund scam.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, malaking tulong sa kaso kung may ebiden­syang ihaharap sina Bolante at Lorenzo.

Magugunitang si­nam­pahan na ng Ombudsman ng kasong plunder sina Lorenzo, Bolante at iba pang opisyal ng Department of Agriculture.

Ayon kay Sec. Lacier­da, bahala ang Department of Justice (DoJ) na magdetermina kung may bagong maiaalok ang mga akusadong opisyal.

Samantala, hindi pa umano malinaw kung interesado sina Lorenzo at Bolante na maging state witness at hindi pa nila nalalaman kung ano ang maaari nilang sabihin.

Show comments