OIC itinalaga sa LTO
MANILA, Philippines - Kinumpirma ni Department of Transportation and Communication (DoTC) Usec. Dante Velasco ang pagkakatalaga kay Atty. Raquel Desiderio, bilang officer-in-charge ng Land Transportation Ofice (LTO) kasunod ng dalawang buwang leave of absence ni LTO Chief Virginia Torres.
Una rito, inihayag ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na epektibo ngayon, Abril 18 ang leave ni Torres, matapos masangkot ito sa kontrobersiyal na isyu sa pagitan ng kompaniyang Stradcom, ang IT provider ng ahensiya.
Maliban sa nangyaring “takeover incident” sa tanggapan ng Stradcom, nahaharap din sa kaso si Torres sa Office of the Ombudsman dahil umano sa kabiguan ng opisyal na bayaran ang P1 billion na overdue charges ng LTO sa kompaniya.
Si Desiderio ay assistant secretary for legal service ng DoTC.
“She will be OIC for 60 days, iyong period ng leave of absence ni Asec. Virginia Torres,” ayon sa anunsyo ni Velasco sa Tinapayan sa Dapitan forum.
Naniniwala din si Usec. Velasco na hindi na makakabalik sa LTO si Torres kahit matapos na ang suspension nito.
- Latest
- Trending