^

Bansa

Kuwaresma sobrang init

-

MANILA, Philippines - Magiging mainit nang husto ang panahon nga­yong Semana Santa lalo na sa Luzon at maaaring tumaas ng hanggang 36 degrees ang init.

Ito ang paalala kaha­pon ng Philippine Atmos­pheric Geophysical and Astronomical Services Administration.

Sa isang espesyal na pagtataya sa klima para sa Semana Santa, sinabi pa ng PAGASA na inaasahan ding magkakaroon ng kalat-kalat na pag-ulan sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.

“Sa Luzon, maganda sa pangkalahatan ang klima na merong warm at humid temperature na 24-36 degree Celsius sa mga patag na lugar at 14-28 degree Celsius sa mabundok na rehiyon,” ayon pa sa ahensiya.

Idinagdag ng PAGASA na walang inaasahang tropical cyclone o unos sa loob ng nabanggit na panahon.

Gayunman, inaasahan ang easterly wave at low pressure area sa Visayas at Mindanao.

“Ang sistemang ito ng klima ay magdudulot ng kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat na magiging malawakan sa kanluran ng Mindanao sa Lunes at Martes (Abril 18 at 19) gayundin ang malawak na pag-ulan sa silangang Visayas at silangang Mindanao sa Biyernes hanggang Linggo (Abril 22-24),” dagdag ng PAGASA sa isang ulat ng GMA News.

Bahagya hanggang katamtaman naman ang pag-alon sa mga baybaying-dagat sa buong bansa.

vuukle comment

ABRIL

BAHAGYA

BIYERNES

GAYUNMAN

GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

MINDANAO

PHILIPPINE ATMOS

SA LUZON

SEMANA SANTA

VISAYAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with