^

Bansa

Engrandeng streetparty sa Pasay at Maynila

-

MANILA, Philippines - Itinanghal ng lungsod ng Pasay at Maynila ang malawakang streetparty sa Aliwan Fiesta na nagsi­mula kamakalawa hanggang ngayon (Abril 16), sa ilalim ng Manila Broadcasting Company, Star City at Sentrong Pangkultura ng Pilipinas sa pakikipagtulu­ngan ng National Parks Development Committee.

Ang taunang kapistahan ay sisimulan ng Pasakalye 2011 sa Sotto Street, kaharap ng Aliw Theater. Dito magkakaroon ng campus dance showdown ang iba’t ibang paaralan. Upang higit na aliwin ang manonood, tampok sa isang mini concert sina Kyla, Mark Bautista, Bugoy Drilon, Angeline Quinto, Mark Alain at ang Go Girls.

Ang malaking paradang magtatampok sa iba’t ibang kapistahan mula hilaga hanggang katimugan ng bansa ay gaganapin ngayon, mula Quirino­ Grandstand patungong Sotto Street sa harap ng Aliwan Theater, kung saan gaganapin ang awarding ng mismong streetdance at float competition. Isang milyon­ ang nakalaan sa magwawaging festival streetdancers at kalahating milyon naman sa float design.

ALIW THEATER

ALIWAN FIESTA

ALIWAN THEATER

ANGELINE QUINTO

GO GIRLS

MANILA BROADCASTING COMPANY

MARK ALAIN

MARK BAUTISTA

NATIONAL PARKS DEVELOPMENT COMMITTEE

SOTTO STREET

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with