Bagong epidemya ng dengue pinangangambahan
MANILA, Philippines - Magkatuwang na kumilos ang dalawang ahensiya ng pamahalaan para maagapan ang napipintong paglobo pa ng dengue cases o panibagong epidemya ng dengue ngayong taon.
Kahapon ay lumagda sa isang kasunduan ang Department of Health (DOH) at Department of Science and Technology (DOST) para sa ilulunsad na “National Rollout of Ovi-Larvi Trap System”.
Pondo ng DOST ang gugugulin sa ipamimigay na libreng 700,000 ovi-larvi trap kits sa mga kabahayan sa buong bansa na matutukoy ng DOH na lugar ng may malalang dengue cases.
Sa talaan ng Disease Surveillance ng DOH, nasa 14,837 ang dengue cases mula sa iba’t ibang sentinel hospitals sa bansa mula Enero hanggang Marso 19, 2011, kung saan 89 katao na ang iniulat na nasawi.
Taong 2010 nang maranasan ng bansa ang pinakamatinding dengue outbreak sa Pilipinas sa nakalipas na 10 taon ng makapagtala ang DOH ng mahigit 135,355 kaso ng sakit na mas mataas sa high infection rates noong 1998.
Ngayong taon, pinakamaraming naitalang kaso sa National Capital Region (29.6%), sumunod ang Region IV-A (17.8%) at Region III (17.7%)
- Latest
- Trending