3 opisyal ng Sorsogon kinasuhan sa fertilizer scam

MANILA, Philippines - Matapos ang pitong taon, naisampa na rin ng tanggapan ng Ombudsman sa Sandiganbayan ang kasong graft laban sa tatlong lokal na opisyal ng Sorsogon dahilan sa umano’y pagkakasangkot ng mga ito sa P728-mil­yong fertilizer fund scam.

Ang mga kinasuhan ay sina Sorsogon Gov. Raul Lee, provincial accountant Raul Hernandez at provincial treasurer Ofelia Velasco.

Nag-ugat ang kaso nang aprubahan umano ng naturang mga akusado ang pagbili ng 2,133 liters ng Bio Nature Li­quid Fertilizer sa halagang P1,500 per liter mula sa supplier nitong  Fenshan Philippines, Inc. kahit na ang tunay na halaga nito ay P180 per liter lamang.

Hindi naman isinama ng Ombudsman na kasu­han sina Fenshan exe­­cutives Ma. Eunique Galang at Redentor Antolin dahil walang sapat na ebidensiya na nagdidiin sa mga ito sa kaso.

Show comments