^

Bansa

3 ex-AFP chiefs tinuluyan sa plunder

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Sinampahan ng kasong plunder sa Department of Justice (DOJ) ni dating military budget officer George Rabusa ang  tatlong naging hepe ng Armed Forces of the Philippines (AFP) hinggil sa “pabaon“ system sa militar.

Kabilang sa mga ki­nasuhan sina dating AFP chiefs of staffs Diomedio Villanueva, Roy Cimatu at Efren Abu. Dawit din sina dating AFP Comptrollers Jacinto Ligot at Carlos Garcia; dating AFP Intelligence Service Officer Divina Cabrera at ilang auditor ng Commission on Audit (CoA). Nabatid na  umaabot sa 17 respondents ang kasama sa plunder case.

Ayon kay Rabusa, nagbunga din ang kanyang ibinulgar sa  Senado sa loob ng tatlong buwan. Aniya, suportado niya ang  programa ni Pangulong Aquino laban sa katiwalian.

Sinabi ni Rabusa na ang kanyang complaint affidavit ang siyang pagbabasehan ng DoJ upang magsagawa ng preliminary investigation sa nabunyag na ano­malya sa AFP.

Ibinunyag pa ni Ra­busa kung paano nagaganap ang  conversion ng soldiers’ funds para sa “pasalubong” at “pabaon” sa mga hepe ng AFP.

Tiniyak din ni Rabusa na tatapusin niya ang kaso at iba ang kanyang mga ipiprisintang ebidensiya sa DOJ at sa Senado.

Kaugnay nito’y si­nabi pa ni Rabusa na kabilang sana si dating Defense Secretary Angelo Reyes sa kanyang mga kakasuhan, suba­lit dahil yumao na ang heneral  kaya’t wala na umanong dahilan upang isama pa niya sa kaso ang opisyal.

Una nang iginiit ni Rabusa na hindi mala­labag ang tinatawag na “double jeopardy clause” sa paghahain nito ng bagong plunder case laban kay Garcia, dahil bukod sa mga bagong ebidensiya, bago rin umano ang kanilang mga ilalahad na testimonya para sa naturang usapin.

Matatandaang si Garcia ay pumasok sa isang plea bargaining agreement para sa kanyang plunder na nakahain sa Sandiganbayan.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CARLOS GARCIA

COMPTROLLERS JACINTO LIGOT

DEFENSE SECRETARY ANGELO REYES

DEPARTMENT OF JUSTICE

DIOMEDIO VILLANUEVA

EFREN ABU

GARCIA

RABUSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with