Travel ban sa Batangas
MANILA, Philippines - Sa kabila ng karaingan ng ilang negosyanteng nagmamay-ari ng tourist resorts na nalulugi sila ng milyun-milyon dahil sa sitwasyon ng Taal Volcano, nagpalabas pa rin ang Department of Tourism (DOT) ng travel ban sa Batangas, partikular sa apektadong lugar bunsod ng alert 2 level ng Phivolcs.
Sa nasabing advisory, pinagbabawalan na ang mga turista na magtungo o lumapit sa itinakdang danger zones sa palibot ng bulkan.
Ito’y upang makatiyak sa kaligtasan ng mga bumibisita sa Taal.
Saklaw ng travel ban ang bayan ng Talisay, ilang bahagi ng Lipa at Tanauan City, at Agoncillo, Cuenca, Sta. Teresita Laurel, Plete, San Nicolas, Mataas na Kahoy at Alitagtag.
Nangangamba ang DOT na may mga turista at residente na magtungo sa itinakdang danger zone upang mapanood ang aktibidad ng bulkan.
- Latest
- Trending