Merci 'di ko tatantanan - Pnoy
FORT MAGSAYSAY, Nueva Ecija, Philippines - Tiniyak kahapon ni Pangulong Aquino na hindi ito titigil hangga’t hindi nawawala sa puwesto si Ombudsman Merceditas Gutierrez.
Sa kanyang talumpati, sinabi ng Pangulo na masigasig ang kanilang pagsusulong sa impeachment laban kay Gutierrez.
Anya, mahalagang matanggal si Gutierrez para umusad ang mga reporma sa Armed Forces of the Philippines.
Hindi umano katanggap-tanggap ang ginawa ng grupo ni Gutierrez na pagpasok sa Garcia deal.
Bukod sa Ombudsman, muling tiniyak ng Pangulo na parurusahan ang mga tiwali ring opisyal ng AFP tulad ni retired Maj. Gen Carlos Garcia.
Aminado ang Pangulo na apektado ang mga sundalo sa nangyayaring inquiry sa AFP anomaly pero tiwala itong hindi mabubuwag ang dangal, dignidad at morale ng sandatahang lakas ng Pilipinas.
Ipinagmalaki pa ni PNoy ang mga bagong equipment ng AFP na bibilhin para mapagbuti pa ang pagbabantay sa seguridad sa bansa.
Kabilang dito ang mga makabagong water crafts, long range helicopter at mga baril para ma-secure ang napakalawak na shoreline ng Pilipinas.
- Latest
- Trending