Japan muling niyanig ng 7.1 magnitude na lindol
MANILA, Philippines - Muli na namang niyanig at binugbog ng 7.1 magnitude na lindol ang Japan matapos ang isang buwang pagtama ng 9.0 magnitude na sinundan ng ga-higanteng tsunami noong Marso 11.
Sa rekord ng United States Geological Survey (USGS), ang 7.1 magnitude na lindol ay tumama dakong alas-11:32 kamakalawa ng gabi (oras sa Japan) malapit sa east coast ng Honshu.
Ang lindol ay may lalim na 49 kilometro o 30.4 milya at may sukat na 66 kilometro (41 milya) ng east ng Sendai, Honshu; 114 kilometro (70 miles) east ng Yagamata, Honshu; 116 km (72 miles) east northeast ng Fukushima, Honshu at 330 km (205) north northeast ng Tokyo.
Magkakasunod ang aftershocks na inaabot ng Japan, noong Sabado at Linggo ay naitala ang 6 na aftershocks kabilang na ang magkasunod na 7.1 at 6.1 magnitude.
Sa kabila nito, nananatiling naka-alerto ang Fukushima Daiichi Nuclear Power Plant dahil sa ginagawang pag-kontrol ng radiation leak ng planta.
Naitala na may 27,000 katao ang namatay at nawawala sa nagdaang March 11 quake at tsunami sa Japan.
- Latest
- Trending