DOJ chief muling kinalampag sa mga graft cases
MANILA, Philippines - Nanawagan ang Alyansang Alalay at Guwardiya ng Animal Rights (ALAGA) kay Department of Justice Secretary Leila de Lima na muling pabuksan ang lahat ng kasong korupsiyon na natutulog sa mga korte upang maparusahan ang lahat ng nandambong sa kaban ng bayan.
?Partikular na tinukoy ni ALAGA president Dominador Peña Jr. ang “tinuwarang” kaso sa Ombudsman ni dating Manila Zoo director Arturo S. Co gayundin ang maanomalyang PEA-Amari at EPIRA cases noong panahon ni dating pangulong Fidel Ramos.
?Ayon sa ALAGA, kinasuhan si Co ni dating Manila Mayor Mel Lopez Jr. noong 1986 dahil sa mga iregularidad tulad ng recycling ng mga tiket ng Manila Zoo at overpricing sa pagkain ng mga hayop.
?Muling pumutok ang pangalan ni Co nang gamitin niya ang Senior Citizen Law para kasuhan ang Carte Blanche Food Service Corp. sa hindi pagbibigay sa kanya ng 20% discount sa pagkain.
?Ayon kay Pena, sa halip na nakapiit sa Muntinlupa ang tulad ni Co ay malaya pang nakapanggigipit ng ibang tao dahil hindi tumakbo ang sariling kaso nito na ibinaon sa limot ng Ombudsman.
?Iginiit din ng KKKK na dapat pabuksan ni De Lima at ng PNoy government ang lahat ng kasong graft and corruption mula noong 1986 para mabawi ang mga nakaw na yaman at mapakinabngan ng mahihirap na mamamayan.
- Latest
- Trending