^

Bansa

LP sa Caloocan nagkakagulo na

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nagkakaroon na ng lamat ang samahan ng Liberal Party (LP) sa Caloocan City dahil sa mga maling hakbang na ginagawa umano ni Vice-Mayor Edgar “Egay” Erice dahilan upang maghain ng isang resolusyon sa Sanggu­niang Panglungsod ang dalawa nitong kapartidong konsehal upang masuspinde ang kanilang bise-alkalde.

Matatandaan na noong March 29 ng kasalukuyang taon nang maghain ng resolusyon sa Sangguniang Pang­lungsod sina 1st District Councilor Ramon Te at 2nd District Councilor Luis Abel upang mabigyan ng disiplina si Erice dahil sa ilang beses nitong pagwa-walk-out at pagpapatigil sa sesyon nang hindi man lamang ipinaaalam sa mga mi­yembro ng konseho.

Dahil dito, nababahala ang mga miyembro ng LP sa Caloocan sa posibleng pagkawatak-watak ng partido kaya’t nanawagan ang mga ito sa Malacañang na agad itong gawaan ng aksiyon upang mahinto na si Erice sa kanyang mga maling ginagawa.

Hinala pa ng mga miyembro ng LP sa Caloocan na maagang namumulitika si Erice kaya’t maging ang mga kapartido nito ay pilit na kinakalaban para lamang masungkit ang ambisyong maging alkalde ng nasabing lungsod.

CALOOCAN

CALOOCAN CITY

DAHIL

DISTRICT COUNCILOR LUIS ABEL

DISTRICT COUNCILOR RAMON TE

EGAY

LIBERAL PARTY

SANGGUNIANG PANG

VICE-MAYOR EDGAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with