MANILA, Philippines - Matapos ang malakas na aftershock na 7.1 magnitude noong Biyernes, muli na namang niyanig ang Japan ng 6.1 magnitude na lindol kamakalawa ng gabi na sinundan ng 4 na aftershocks, kahapon.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, walang Pinoy na nasugatan o nasaktan sa nasabing pinakahuling aftershock matapos ang unang pagtama ng 9.0 magnitude na lindol noong Marso 11.
Ang 6.1 lindol ay tumama sa Kyushu dakong alas-9:57 ng gabi na may lalim na 21.3 kilometro at ang epicenter ay 212 kilometro o 131 milya sa katimugang Miyazaki at 213 kilometro sa timog silangan ng Kagoshima.
Apat na aftershocks ang naitala sa Honshu (4.7), Shikoku (4.8), dalawang beses pa na 4.9 sa Honshu.