17 Pinoy seamen pinalaya, 6 pa dinukot ng pirata!
MANILA, Philippines - Pinalaya na ang may 17 tripulanteng Pinoy na sakay ng hinayjack na oil tanker matapos ang dalawang buwang pagkakabihag sa Arabian Sea habang anim pang Pinoy ang dinukot naman ng mga Somali, kamakalawa sa Oman.
Ayon kay Foreign Affairs spokesman Ed Malaya, nakatanggap na sila ng ulat hinggil sa pagpapalaya sa mga bihag na Pinoy crew ng MV Irene SL noong Biyernes.
Sinabi ni Malaya na nasa maayos nang kondisyon ang mga ito at nakikipag-ugnayan na ang Embahada ng Pilipinas sa Nairobi para sa pagpo-proseso ng kanilang pag-uwi sa bansa.
Ang MV Irene SL ay inatake ng mga pirata noong Pebrero 9 sa Arabian Sea.
Samantala, iniulat ng European Union Naval Force (Eunavfor) na kabilang ang anim na Pinoy seamen at 4 Ukrainian sa lulan ng German-owned vessel na Antiggua & Marbuda sa dinukot ng may 10 armadong pirata noong Biyernes.
Patungo umano ang nasabing barko sa Port Sudan ng bansang Sudan mula Mumbai, India ng haydyakin.
- Latest
- Trending