Mayor Lani kay Tinga: 'Patas na laban lang'
MANILA, Philippines - “Patas na laban lang.”
Ito ang pahayag ni Taguig Mayor Lani Cayetano kaugnay ng electoral protest ng talunang mayoralty bet na si dating justice Dante Tinga.
Ayon kay Atty. Bernabe Icay, spokesman ng Mayor, ang anak ni Tinga na si Freddie ang alkalde sa nakaraang halalan noong Mayo 2010 at kakatwang nagpoprotesta sila nang matalo gayung sila ang may hawak ng makinarya noon. “Underdog” umano si Mayor Cayetano noon subalit talagang nagsalita ang boses ng bayan kaya siya ang nanalo.
Handa umano nilang harapin ng patas ang election protest na isinampa ng matandang Tinga pero hindi maiaalis na magduda sila sa “gameplan” sa nagiging paraan ngayon ng paghawak ng poll protest.
Tinuran ni Icay na nang maupong Mayor si Cayetano, ang naging custodian ng mga balota ay ang City Treasurer na si Teresita Elias sa loob ng 46-araw. Asawa si Elias ng bise alkalde noon na si Geroge Elias na tagapagsalita ni Tinga.
Nangangamba ang kampo ni Cayetano na “dinuktor” na ang mga balotang muling bibilangin para pumabor kay Tinga.
Bukod dito, tinuran ni Icay na si Comelec Chairman Sixto Brillantes nang hindi pa ito naitatalaga sa Comelec post ang abogado ni Tinga sa nasabing election protest at sya ding gumawa ng election complaint.
Ipinagmalaki naman ni Cayetano na bagamat tutok sila sa poll protest ay ilang pagbabago na ang naipatupad nito sa lungsod sa nakalipas na 9 na buwan kabilang na dito ang reporma sa basic services sa health, education, livelihood, employment, peace and order at pagtasa ng investors confidence.
- Latest
- Trending