Mga Pinoy maraming panlaban sa radiation
MANILA, Philippines - Bukod sa pagkain ng mga seaweeds na mayaman sa iodine, pinayuhan kahapon ng isang toxicologist ang mga Pinoy na uminom ng mga oral detoxifying agents, kumain ng mga prutas at gulay at mga anti-radiation herbs upang may panlaban sakaling tumama sa bansa ang radiation na nagmumula sa Fukushima Daiichi nuclear power plant sa Japan.
Sinabi kahapon ni Dr. Romeo Quijano, professor ng Department of Pharmacology and Toxicology sa University of the Philippines, Manila, mahalaga ang pagkakaroon ng malakas na katawan na makukuha sa pamamagitan ng healthy lifestyles.
Bilang precautionary at migation measures, sinabi ni Quijano na mahalaga ang pagkain ng mga hindi kontaminadong seaweeds, prutas at gulay na malakas sa anti-oxidants.
Nagsagawa kahapon ng hearing ang Senate Committee on Health and Demography kaugnay sa maaaring maging epekto sa mga Filipino ng radiation exposure mula sa planta sa Japan.
Kabilang umano sa mga prutas at gulay na mayaman sa antioxidants ang berries, bayabas, guyabano, bignay, soy bean, saluyot, alugbati, beets, spiriluna at iba pa.
Itinuturing naman anti-radiation herbs ang Turmeric o luyang dilaw, roselle, Angelica sinensis (Dang Gui), Tinospora (makabuhay), ginseng, green tea, Ganoderma, at Bupleurum chinense.
Pinayuhan din ni Quijano ang mga Filipino na manatili sa loob ng tahanan kung magkakaroon ng radioactive fallouts at iwasan ang pag-inom ng rainwater o paggamit nito sa loob ng tahahan.
“Do not collect rainwater for drinking or home use. Keep doors and windows closed, turn off air conditioners,” nakasaand sa dokumento ni Quijano.
- Latest
- Trending