MANILA, Philippines - Nabisto sa clarificatory hearings na isinagawa ng Department of Justice ang modus operandi na ginamit umano ng Globe Asiatique para dayain ng P6.6 bilyon ang Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG) para sa Xevera projects nito sa Pampanga.
“A Ponzi scheme “is a fraudulent investment operation that pays returns to separate investors, not from any actual profit earned by the organization, but from their own money or money paid by subsequent investors,” nakasaad sa report ni Pag-IBIG president at chief executive officer Darlene Marie Berberabe kay Vice Pres. at Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) Chairman Jejomar C.Binay.
Ang naturang scam ang ginamit umano ni Legacy Group owner Celso delos Angeles sa kanyang mga depositors at plan holders.
Sinabi ni Berberabe na mismong ang GA ang nagbabayad sa mga fake borrowers para maging instant Pag-IBIG members kung saan nakakakuha sila ng housing loans. Subalit itong mga borrowers na ito ay wala namang talagang balak maging isang legitimate buyers ng Xevera units. Dahil peke ang mga buyers kaya wala naman silang binabayaran kahit isang kusing. Ang GA anya ang totoong nagbabayad ng amortisasyon.