^

Bansa

Pamilya ni Sally wala pa raw natatanggap na tulong

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Wala pang natatanggap na anumang tulong ang pamilya nina Sally Ordinario-Villanueva. 

Ito ang sinabi ng pamilyang Ordinario sa kabila ng kaliwat ka­nang pangako ng mga pulitikong sasagutin nila ang pag-aaral ng dalawang anak ni Villanueva.

Ayon kay Ayline Ordinario, nakababatang kapatid ni Sally, hanggang ngayon ay problema pa rin ng kanilang pamilya ang pambili ng damit na isusuot ng kanyang ate Sally oras na dumating na sa bansa ang labi ng kapatid sa Huwebes.

Anya, malaki ang pasasalamat ng pamilya Ordinario sa Tajuna funeral homes dahil sinagot na nito ang kulay puting kabaong na gagamitin ni Sally oras na mailagak ang kanyang labi sa QC.

Tatlo hanggang apat na araw ibuburol ang mga labi ni Sally sa bahay ng kanyang kapatid sa Bgy. Batasan Hills, QC.

Ililipat ang mga labi sa kanyang tahanan sa Echague, Isabela para paglamayan ng dalawang araw bago dalhin sa Tupaz, Isabela sa bahay ng asawang si Hilarion at doon na ililibing.

vuukle comment

ANYA

AYLINE ORDINARIO

AYON

BATASAN HILLS

BGY

ECHAGUE

HILARION

ISABELA

ORDINARIO

SALLY ORDINARIO-VILLANUEVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with