Walang economic holiday: Araw ng Kagitingan mananatili sa Abril 9

MANILA, Philippines - Walang plano si Pa­ngulong Benigno Aquino III na magpatupad ng ‘economic holiday’ sa paggunita ng Araw ng Kagitingan sa darating na Abril 9.

Ayon sa pahayag ng Malacañang sa official gazette nito, mananatili ang pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan sa Abril 9 (Sabado).

“To those asking, Araw ng Kagitingan will be observed on April 9, a Saturday,” kaugnay ng nakasaad sa Proclamation 84.

Gugunitain ang kagi­tingan ng mga Filipino war veterans na sumuko sa Japanese forces noong World War II sa Araw ng Kagitingan sa Dambana ng mga Bayani sa Bataan.

Show comments