MANILA, Philippines - Anim na taong kulong at multang aabot sa P5,000 sa motor rider na mahuhuling nag-aangkas ng isang bata na 13 anyos pababa.
Nakasaad sa panukala ni Manila 2nd District Councilor Rodolfo Lacsamana, na isinalang sa first reading kahapon sa sesyon ng konseho, inilalagay sa bingit ng panganib o kamatayan ang mga bata na angkas sa harap o likod ng motorsiklo, na sa kasalukuyan ay masyado nang talamak habang ‘kaskasero’ pa ang mga namamataang nagmamaneho.
Kumpara umano sa apat ang gulong na behikulo, mas delikado ang dalawang gulong na motorsiklo kaya hindi dapat payagan ang pagsasakay dito ng mga bata.
Sakaling pumasa, multang P2,000 sa unang pagkakahuli, P3,000 sa ikalawa at P5,000 kung nakagawa na ng ika-3 offense ang isang motor rider, o makulong ng 6 na buwan.