^

Bansa

13-anyos pababa bawal umangkas sa motorsiklo

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Anim na taong kulong at multang aabot sa P5,000 sa motor rider na mahuhuling nag-aangkas ng isang bata na 13 anyos pababa.

Nakasaad sa panukala ni Manila 2nd District Councilor Rodolfo Lacsamana, na isinalang sa first reading kahapon sa sesyon ng konseho, inilalagay sa bingit ng panganib o kamatayan ang mga bata na angkas sa harap o likod ng motorsiklo, na sa kasalukuyan ay masyado nang talamak habang ‘kaskasero’ pa ang mga namamataang nagmamaneho.

Kumpara umano sa apat ang gulong na behikulo, mas delikado ang dalawang gulong na motorsiklo kaya hindi dapat payagan ang pagsasa­kay dito ng mga bata.

Sakaling pumasa, multang P2,000 sa unang pagkakahuli, P3,000 sa ikalawa at P5,000 kung nakagawa na ng ika-3 offense ang isang motor rider, o makulong ng 6 na buwan.

vuukle comment

BATA

DISTRICT COUNCILOR RODOLFO LACSAMANA

GULONG

ISANG

KUMPARA

MOTOR

MOTORSIKLO

NAKASAAD

SAKALING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with