MANILA, Philippines - Naghahanap ngayon ng 5,000 bagong guro ang pamunuan ng Department of Education para sa pagbubukas ng school year 2011-2012 sa darating na Hunyo.
Ayon kay DepEd Asst. Sec. Jess Mateo, mayroon silang P1.6 bilyon budget ngayon taon para sa pag-empleyo ng 10,000 bagong guro.
May natanggap na silang 5,000 bagong teachers, kaya nangangailangan pa sila ng 5,000.
“Puwede silang mag-apply sa mga division offices namin. What is important is that they passed the Professional Regulation Commission’s licensure exam for teachers,” ani Mateo.
Tatanggap ng P16,000 suweldo kada buwan ang sino mang mapalad na aplikante base na rin sa umiiral na “salary standardization level”.
Sa kabila nito, inamin ng DepEd na kapos pa rin sila ng mga guro dahil na rin sa patuloy na pagdami ng mga estudyante na pumapasok at lumilipat sa public schools sa tuwing sumasapit ang pasukan.