^

Bansa

5,000 guro hanap ng DepEd

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Naghahanap ngayon ng 5,000 bagong guro ang pamunuan ng Department of Education para sa pagbubukas ng school year 2011-2012 sa darating na Hunyo.

Ayon kay DepEd Asst. Sec. Jess Mateo, mayroon silang P1.6 bil­yon budget ngayon taon para sa pag-empleyo ng 10,000 bagong guro.

May natanggap na silang 5,000 bagong teachers, kaya nangangailangan pa sila ng 5,000.

“Puwede silang mag-apply sa mga division offices namin. What is important is that they passed the Professional Regulation Commission’s licensure exam for teachers,” ani Mateo.

Tatanggap ng P16,000 suweldo kada buwan ang sino mang mapalad na aplikante base na rin sa umiiral na “salary standardization level”.

Sa kabila nito, inamin ng DepEd na kapos pa rin sila ng mga guro dahil na rin sa patuloy na pagdami ng mga estudyante na pumapasok at lumilipat sa public schools sa tuwing sumasapit ang pasukan.

AYON

BAGONG

HUNYO

JESS MATEO

MATEO

NAGHAHANAP

PROFESSIONAL REGULATION COMMISSION

PUWEDE

TATANGGAP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with