^

Bansa

Quake drill 'di sineryoso ng employees

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Mistulang mga batang nagsisipaglaro lang sa kaliwa’t kanang pagpapa­kuha ng larawan na pang-Facebook umano habang panay rin ang text sa ka­nilang mga cellphone ang nakakapanlumong aksyon ng mga empleyado ng Camp Aguinaldo sa isinagawang earthquake drill kahapon.

Ang drill ay bahagi ng paghahanda ng National Disaster Risk Reduction and Management Council sa posibleng pagtama ng lindol sa Pilipinas na kabilang sa mga bansang nasasaklaw ng Pacific Ring of Fire sa pangu­nguna ng Japan.

Naiiling na sinabi naman ni NDRRMC Exe­cutive Director Benito Ramos na normal na reak­syon ng mga Pinoy ang ginawa ng mga empleyado kung saan kapag nandiyan na ang trahedya ay saka lamang ang mga ito kikilos.

Mabilis naman ang kilos ng rescue team mula sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan na sumugod sa Camp Aguinaldo na kinaroroonan ng tanggapan ng NDRRMC at Department of National Defense, Philippine Veterans Affairs Office at AFP.

“Para silang naglala­kad sa liwanag ng buwan, hindi nila sineseryoso ang drill importante itong awareness sa earthquake,” pahayag naman ni Ronald Galicia, officer in charge ng Taguig rescue team.  

CAMP AGUINALDO

DEPARTMENT OF NATIONAL DEFENSE

DIRECTOR BENITO RAMOS

FACEBOOK

MABILIS

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

PHILIPPINE VETERANS AFFAIRS OFFICE

RING OF FIRE

RONALD GALICIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with