Sally nakagawa pa ng sulat bago bitayin
MANILA, Philippines - Nakagawa pa ng sulat si Sally Ordinario-Villanueva bago isinagawa ang pagbitay sa kanya noong Miyerkoles sa China dahil sa kaso ng illegal na droga.
Ipinakita pa ni Ginang Basilisa sa mga mediamen ang sulat ng kanyang anak na si Sally.
Nakasaad sa sulat ang “I’m Sally O. Villanueva entrust my two children and my house for them to take care of all of these and giving them my authorization to handle of my children and to live in my house and continue what I started. I want my mother to do all of these for me, they can stay and live in my house and look after my children.”
Nakasulat din ang “Princess, take care I love u” at “Lexberd, take care, I love u” “Aniong (ito yung asawa niyang si Hilarion), take care of our kids, no matter what happen. I love u forever.”
Sa ibaba ang pangalang “Sally O. Villanueva” na may kulay pulang thumbmark at sa ilalim ng pangalan ay nakasulat ang petsang 2011/3/30.
Ayon naman kay Jason, kapatid ni Sally, marami pa sanang isusulat ang kanyang ate, subalit hindi na ito natapos dahil minamadali na ito ng Chinese authorities.
Ginawa ni Sally ang sulat sa harap nila kasama si Philippine general consul to China Raul Fernandez.
Sa kanilang pag-uusap ni Sally, marami pang sulat ang kanyang ate na nakabinbin sa Chinese authorities.
Hindi pa ito naipadadala sa kanila dahil kailangan pa itong basahin at iinterpret ng Chinese government para malaman kung ano ang nilalaman ng sulat bago ito tuluyang maipadala sa mga kaanak nito sa Pilipinas.
- Latest
- Trending