MANILA, Philippines - Umalerto na kahapon ang Philippine National Police (PNP) laban sa illegal recruitment ng mga drug mules upang hindi na maulit muli ang pagbitay sa tatlong OFW sa China.
Ayon kay PNP Chief Director Gen. Raul Bacalzo, inatasan na niya ang PNP-Anti Illegal Drugs–Special Operations Task Force at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na palakasin pa ang kampanya laban sa drug mules sa bansa lalo na sa mga illegal recruiter ng mga ito.
“Because of what happened (execution of 3 OFWs) really, it is high time for our operatives to focus on the drug mules,” ani Bacalzo.
Tiniyak ni Bacalzo na gagawin ng PNP operatives ang lahat nitong makakaya upang madakip ang mga illegal recruiter ng mga drug mules at ng hindi na maulit pa ang trahedya ng pagbitay kina Sally Villanueva, Ramon Credo at Elizabeth Batain.
Ayon kay Bacalzo maganda ang accomplishment ng AIDSOTF kontra illegal na droga sa serye ng raid sa mga drug laboratory kung saan ay bilyong halaga ng shabu ang nasamsam at panahon na para tutukan naman ang problema sa drug mules.
Ang CIDG ang pangunahing tututok laban sa mga illegal recruiter ng mga drug mules.
“We will strengthened the profiling of the supposed mules,” sabi pa ng PNP Chief mula sa recruitment at pagiging OFW sa mga drug mules na pasakay ng eroplano sa mga paliparan.