^

Bansa

PNP umalerto vs drug mules

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Umalerto na kaha­pon ang Philippine Na­tional Police (PNP) laban sa illegal recruitment ng mga drug mules upang hindi na maulit muli ang pagbitay sa tatlong OFW sa China.

Ayon kay PNP Chief Director Gen. Raul Bacalzo, inatasan na niya ang PNP-Anti Illegal Drugs–Special Ope­ra­tions Task Force at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na palakasin pa ang kampanya laban sa drug mules sa bansa lalo na sa mga illegal recruiter ng mga ito.

“Because of what happened (execution of 3 OFWs) really, it is high time for our operatives to focus on the drug mules,” ani Bacalzo.

Tiniyak ni Bacalzo na gagawin ng PNP operatives ang lahat nitong makakaya upang madakip ang mga illegal recruiter ng mga drug mules at ng hindi na maulit pa ang trahedya ng pagbitay kina Sally Villanueva, Ramon Credo at Elizabeth Batain.

Ayon kay Bacalzo maganda ang accomplishment ng AIDSOTF kontra illegal na droga sa serye ng raid sa mga drug laboratory kung saan ay bilyong halaga ng shabu ang nasamsam at panahon na para tutukan naman ang problema sa drug mules.

Ang CIDG ang pa­ngu­nahing tututok laban sa mga illegal recruiter ng mga drug mules.

“We will strengthened the profiling of the supposed mules,” sabi pa ng PNP Chief mula sa recruitment at pagi­ging OFW sa mga drug mules na pasakay ng eroplano sa mga paliparan.

AYON

BACALZO

CHIEF DIRECTOR GEN

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DRUG

ELIZABETH BATAIN

MULES

PHILIPPINE NA

RAMON CREDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with