Umar Patek timbog sa Pakistan!
MANILA, Philippines - Naaresto ng Pakistan Police si Umar Patek, isa sa most wanted terrorist na may patong sa ulong $1-M sa Estados Unidos na kabilang sa mastermind sa Bali bombing sa Jakarta, Indonesia noong 2002 na kumitil ng buhay ng 202 katao.
Ito ang kinumpirma kahapon ni Commodore Jose Miguel Rodriguez Jr., acting AFP spokesman base sa ipinarating na ulat ng Pakistan Police nitong Miyerkules (Marso 30).
Sinabi ni Rodriguez na sa pagkakahuli kay Patek ay pinilay rin nito ang operasyon ng mga bandidong Abu Sayyaf.
Ang US ay nag-isyu ng reward na $1-M laban kay Patek at $10-M sa isa pang lider ng Jemaah Islamiyah (JI) terrorist na si Dulmatin dahil pitong American national ang kabilang sa 202 kataong nasawi.
- Latest
- Trending