^

Bansa

Phl walang laban sa Saudi ban sa DH

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines -  Inamin kahapon ni Akbayan Party list Rep. Walden Bello na walang laban ang gobyerno ng Pilipinas sa pagpapatigil ng Saudi Arabia sa pagkuha ng mga Filipino domestic helper.

Paliwanag ni Bello, chairman ng House Committee on Overseas Workers Affairs, base sa Republic Act 1002, ang anumang batas ay dapat na may legal na proteksyon para sa ‘class of workers” at sesertipikahan naman ng DFA kung angkop ito para tumaggap ng mga manggagawa.

Subalit dahil ang mga domestic worker ay hindi sakop ng Saudi Labor Code at bunsod na rin ng matinding pang-aabuso sa mga ito, minarapat na lamang ng DFA na huwag magbigay ng sertipikasyon sa Saudi Arabia bilang destinasyon para sa mga domestic helper.

Magugunita na ipinahinto ng gobyerno ng Saudi ang pagkuha ng Filipino domestic helpers dahil sa umano’y mahigpit na labor requirements na ipinatutupad ng Pilipinas.

Gayunman, naniniwala si Bello na ang kailangan ngayon ay isang bilateral labor agreement sa pagitan ng Pilipinas at Saaudi Arabia kung saan nakasaad ang pagbibigay proteksyon para sa mga kababayan nating domestic workers.

Isa pa sa maaaring op­syon ng ating pamahalaan ay makiusap sa Saudi go­vernment na i-hire ang mga Pinoy DH nang walang kondisyon.

Pinayuhan din ni Bello ang administrasyon na makipag-ugnayan sa iba pang labor exporting countries tulad ng India, Indonesia, India at Sri Lanka na maaaring magpapasok ng ating mga domestic helper.

AKBAYAN PARTY

HOUSE COMMITTEE

OVERSEAS WORKERS AFFAIRS

PILIPINAS

REPUBLIC ACT

SAAUDI ARABIA

SAUDI ARABIA

SAUDI LABOR CODE

SRI LANKA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with