MANILA, Philippines - Matapos magpakita ng kooperasyon sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee, pinakawalan na kahapon ng Senado si dating military comtproller Lt. Gen. Jacinto Ligot.
“Okay naman. Nakita nyo naman yong mga nagtanong, satisfied naman sila,” sabi ni Sen. Jinggoy Estrada sa isang panayam matapos ang pagdinig.
Nauna rito, magkahiwalay na nakiusap sa kani-kanilang opening statement ang mag-asawang Ligot na tigilan na sila ng mga senador.
Ipinaliwanag ni Ligot na hindi niya gustong lokohin ang mga senador at hindi siya nag-sakit-sakitan nang hindi nakadalo sa naunang hearing na naging dahilan upang i-contempt siya ng Senado. Sinabi naman ni Mrs. Ligot na rin niya gustong isnabin ang hearing ng Senado at hindi siya nagdahilan kaya hindi nakasipot sa hearing noong Marso 22.
Ayon kay Estrada, wala na siyang itatanong sa mga resource persons at wala na rin siyang ihaharap na bagong testigo pero depende pa rin sa komite kung itutuloy ang pagdinig.