Labor, bagong subject sa college
MANILA, Philippines - Isasama na sa college curriculum ang subject kaugnay sa Labor o paggawa.
Ito ay matapos aprubahan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukalang batas kaugnay sa labor education subject na isasama sa college curriculum.
Sinabi ni lone District, Aurora Rep. Juan Edgardo Angara, Chairman ng House Committee on Higher Education, na ang paglalagay ng subject kaugnay sa Labor sa mga college students ay magbibigay sa kanila ng kaalaman kaugnay sa sitwasyon ng labor sa bansa at ang kasalukuyang problema dito.
Ang nasabing panukala ay tinawag na Labor Education Act of 2011, House bill 4210 kung saan ang principal author ay si Rep. Raymond Democrito Mendoza (Party-list, TUCP). Mayroon itong mandato sa Commission on Higher Education (CHED) na isama ang labor education sa social science subjects na itinuturo sa general education curriculum sa tertiary level of education.
- Latest
- Trending