Tax ng taumbayan 'di sasayangin - PNPA topnotcher

MANILA, Philippines - “Hindi masasayang ang buwis ng taumbayan, papalitan namin ito ng tapat na serbisyo!”

Ito ang binitiwang pa­ngako ni Police Cadet Alelin Cuyan Buaquen, ang topnotcher sa kabuuang 260 kadeteng nagtapos kahapon sa Philippine National Police Academy (PNPA) sa Silang, Cavite.

Sinabi ni Buaquen, na ibabalik nila kasama ang 259 pa niyang classmates ang buwis ng taumbayan na sumuporta sa kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng pagpapanatili ng integridad at magandang imahe ng PNP. Si Buaquen, 22 an­yos, tubong Baguio City ay ginawaran ng Presidential Kampilan Award ni Pangulong Aquino.

Sa 260 miyembro ng Masaligan Class of 2011, 219 ang matatalaga sa PNP, 26 sa Bureau of Fire Protection at 15 sa Bureau of Jail Management and Penology.?

Nagsilbi namang ‘wo­men power’ ang mga nagsipagtapos sa PNP dahil anim na babae ang nasa top 10.

Show comments