^

Bansa

Hamon sa BIR: Habulin ang mga 'big fish'

Nila - Gemma Garcia/Butch Quejada -

MANILA, Philippines - Hinamon ng apat na party-list Representatives si Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares na habulin ang malalaking “isda” na hinihinalang sangkot sa pagnanakaw ng bilyong buwis sa gobyerno.

Sinabi nina Gabriela Reps. Luzviminda Ilagan at Emmi de Jesus, Agham at Teknolohiya para sa Mamamayan (AGHAM) Rep. Angelo Palmones at Buhay Hayaang Yuma­bong Rep. Irwin Tieng na dapat din iprisinta ni Henares ang malalaking pangalan matapos itong maghain ng kasong tax evasion sa Department of Justice (DOJ) laban sa tatlong dating opisyal ng Philcomsat Holdings Corp. (PHC).

Ayon sa mga kongresista, puro maliliit na isda o mga small time tax evaders lamang ang nabibitag ng bureau habang ang mga bigtime tax evaders ay nagtatawa lamang.

Ang malupit pa anila, ang mga fixed earners o mga ordinaryong empleyado ang napapahirapan dahil ang mga ito ang siyang naapektuhan ng malaki sa pagbabayad ng buwis.

AGHAM

ANGELO PALMONES

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

COMMISSIONER KIM HENARES

DEPARTMENT OF JUSTICE

GABRIELA REPS

HAYAANG YUMA

IRWIN TIENG

LUZVIMINDA ILAGAN

PHILCOMSAT HOLDINGS CORP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with