Operasyon ng NAIA 3 kinuwestiyon

MANILA, Philippines - Hindi kuntento ang Kongreso sa umano’y ope­ rasyon ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3, lalo pa’t itinutu­ring itong “world class”.

Ayon kay House Committee on Transportation Chairman, Southern Leyte Rep. Roger Mercado, hindi sapat ang ibinibigay na serbisyo ng NAIA 3 nga­yong ito ay nasa ilalim na ng pamamahala ng Manila International Airport Authority.

Aniya, dapat din so­lusyunan at tuldukan ang iringan sa pagitan ng gobyerno at ng Philippine International Air Terminals, ang kompanyang gumawa nito, upang mas lalong maging kapaki­pa­kinabang ang paliparan.

Kaugnay nito, sinabi din ni Mercado na da­pat imbestigahan ng gob­­yerno ang ulat na gumas­tos ang gobyerno ng $56M o P2.3 bilyon para ipambayad sa mga naging­ abogado nito para ma­resolba ang naging usa­pin sa NAIA 3.

Malaking katanu­ngan aniya, kung bakit kumuha at nagbayad pa ng foreign lawyers ang gobyerno gayung ang ginamit na mga abogado ng PIATCO ay mga abogado dito lang sa bansa.

Matatandaan na noong 2003 ay ipinawa­lang saysay ng Korte Suprema ang kontratang pinasok ng gobyerno at ng PIATCO dahil sa umano’y ilang ilegal na probisyon na nakapaloob dito. Bunsod nito, itinigil ng PIATCO ang konstruksiyon ng NAIA 3, gayung 98% ay tapos na ang nasabing airport.

Show comments