MANILA, Philippines - Nanawagan ang Kilusan Kontra Kabulukan at Katiwalian (KKKK) sa lahat ng sangay pangkatarungan sa Pilipinas na lutasin maging ang mga lumang kaso ng corruption simula noong 1986 para maparusahan ang mga personalidad na bumabaluktot sa batas.
Ayon kay KKKK Chairman Benjo Varella, kung gusto ng PNoy government na maging matuwid ang landas ng mga Pilipino ay dapat halukayin ang napakaraming kaso ng katiwalian na tinuwaran mula noong 1986 ng Tanodbayan, tinatawag natin ngayong Ombudsman.
Kabilang sa mga kasong siniyasat ng KKKK na hinihinalang namaniobra ay ang pandarambong umano ng opisyales ng Philippine National Railways, multi-milyong kasong graft ng dating administrador ng Manila Zoo na si Arturo S. Co, ang extortion case laban kay dating Justice secretary Hernando Perez at ang kasong katiwalian laban kay dating Comelec chairman Benjamin Abalos.?
Iginiit ng KKKK na dapat ipahalukay ng Aquino government ang lahat ng kasong graft and corruption mula noong 1986 at hindi i-focus ang diin kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.