^

Bansa

Villar Foundation pinarangalan ng UN

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Muling nagbigay ng karangalan sa bansa ang Villar Foundation matapos itong kilalanin ng prestihiyosong United Nations sa kategoryang “Best Water Management Practices Award” dahil sa hindi matatawarang pagsisikap na protektahan ang yamang tubig kasabay ng pagkakaloob ng kabuhayan sa daan-daang mga Filipino.

Tinalo ng ‘Sagip Ilog’ program ng Villar Foundation ang 38 pang mga bansa sa parangal dahil sa malaking kontribusyon sa pagsusulong ng mga pamantayan hinggil sa kaaya-ayang pamumuhay sa kapaligiran, lalo na sa kabuhayan ng mga mahihirap at hindi pinalad na mga grupo, mga institusyon at pang-matagalang pamamahala sa paggamit ng tubig.

Personal na tinanggap nina Sen. Manny Villar, founding chairman ng Villar Foundation, at maybahay nitong si Cynthia, dating kongresista ng Las Piñas at pangunahing nagtataguyod ng Sagip Ilog, ang kapita-pitagang parangal sa Zaragosa, Spain kasabay ng espesyal na seremonya sa World Water Day nitong nakalipas na Marso 22.

Isinusulong ng UN award-giving body ang promosyon sa katuparan ng internasyunal na obligasyon sa mga isyu sa tubig hanggang 2015 upang matiyak ang pangmatagalang paggamit ng tubig sa buong mundo at makamtan ang minimithing mga layunin.

Nakatuon ang parangal ngayong taon sa paksang “Urban Water Management” na siyang pangunahing layunin ng “Sagip Ilog” program.

Naunang nakatanggap ng internasyunal na pagkilala ang Sagip Ilog noong 2006. Mula noon, mas maraming pagkilala ang natanggap ng Sagip Ilog at Villar Foundation sa ilang sikat na internasyunal na award-giving groups.

Layunin ng “Sagip Ilog” program na linisin ang Las Piñas-Zapote River at bigyang solusyon ang problema sa pagbaha na isinisisi sa nagkalat na mga basura, kabilang ang pagkalat ng water hyacinths o water lilies na nakakabara sa daanan ng tubig.

Kabilang sa naging programa ng foundation ang paghahabi gamit ang water lilies, handloom blanket weaving at coconut coir at peat enterprise para makatulong sa pangangalaga sa kapaligiran.

Naisusulong rin ng foundation ang promosyon ng kultura sa pamamagitan ng paggawa ng mga produktong handicrafts mula sa water lilies at parol mula sa bamboo.

Bukod sa pagresolba sa problema sa nagkalat na water lilies, nagawa rin ni Gng. Villar na maging hanapbuhay ng mga taga-Las Piñas ang paghahabi nito.

Ngayon, kumikita na ng disente ang daan-daang mga residente ng Las Piñas sa paggawa ng baskets, trays, tsinelas at iba pang decorative items sa tulong ng water lilies.

Isang non-stock, non-profit organization ang Villar Foundation na itinatag ng pamilya Villar noong 1995.

Nagkakaloob rin ang Villar Foundation ng tulong at proteksiyon sa overseas Filipino workers (OFWs), pagtatanim ng mga puno, paglilinang ng kultura at arts, kalusugan at serbisyong sosyal, negosyo at charity, kabilang ang poverty-reduction projects.

vuukle comment

BEST WATER MANAGEMENT PRACTICES AWARD

FOUNDATION

LAS PI

MANNY VILLAR

SAGIP ILOG

UNITED NATIONS

VILLAR

VILLAR FOUNDATION

WATER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with