^

Bansa

Patay na ilog, mas dapat ikabahala kaysa radiation

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Mas dapat na mabahala ang publiko sa mga patay na ilog  kaysa sa banta ng radiation na ga­ling sa Japan.

Ito ang binigyang diin ni Dr Suzette Lazo, director ng Food and Drugs Administration (FDA)  matapos magpatawag ng pagpupupulong sa Philippine Nuclear Research Institute (PNRI)  compound kasama ang may tatlumpung importer sa bansa.

Ayon kay Lazo, mas­yadong mataas ang lead content ng mga patay na ilog na tiyak na makaka­apekto sa kalusugan ng tao kumpara sa mga  kumakalat na maling balita na maaring kontaminado ng radiation ang mga produktong pagkain ga­ling Japan.

Para mabura aniya ang pangamba ng taumbayan, muling magsasagawa ng random sampling ang FDA  at PNRI  sa mga susunod na araw sa mga produktong dairy, soya, gatas, noodles na galing ng Japan.

Samantala, sinabi naman ni Luis Lim, head quality assurance team ng isang Japanese Seasoning Company na tuloy pa rin ang kanilang importas­yon mula sa Japan dahil hindi naman sila nababahala sa pag-angkat sa mga produktong galing sa naturang bansa lalupa’t wala pa namang napapatunayang napektuhan ang mga produktong Japan ng pagsabog sa nuclear reactor sa Fukushima Daiichi Nuclear Power Plant doon.

AYON

DR SUZETTE LAZO

DRUGS ADMINISTRATION

FUKUSHIMA DAIICHI NUCLEAR POWER PLANT

JAPANESE SEASONING COMPANY

LAZO

LUIS LIM

PHILIPPINE NUCLEAR RESEARCH INSTITUTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with