^

Bansa

Oil depot sa Pandacan delikado sa lindol

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Naalarma kahapon si Senator Juan Miguel Zubiri sa posiblidad na masunog ang oil depot sa Pandacan dahil sa ma­lakas na lindol at sa pag-amin ng Bureau of Fire na wala silang kagamitan upang masugpo ang isang malaking sunog.

Sa hearing kahapon sa Senado, sinabi ni Chief Supt. Victoriano Remedio, director ng Bureau of Fire Protection na walang sapat na kagamitan ang kanilang ahensiya para sugpuin ang isang mala­king sunog sa oil depot.

Sinabi ni Remedio na sa ngayon ay para sa mga nasusunog na low-rise building lamang ang kanilang kagamitan.

“Presently sir, wala talaga tayong capability na ganyan kasi yun mga equipment natin is good for low-rise and high-rise building. Meron mga tayong mga high-rise ladder firetruck pero very limited,” sabi ni Remedio.

Kinakailangan aniya ng helicopter at fireboats kung masusunog ang oil depot sa Pandacan.

Kaugnay nito, sinabi ni Zubiri na mas makakabuti na muling buhayin ang panukala na ilipat sa ibang lugar ang oil depot lalo pa’t napakalapit nito sa Malacañang.

BUREAU OF FIRE

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CHIEF SUPT

KAUGNAY

KINAKAILANGAN

MALACA

PANDACAN

REMEDIO

SENATOR JUAN MIGUEL ZUBIRI

VICTORIANO REMEDIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with