Pagsanjan Festival dadagsain
MANILA, Philippines - WOW Pagsanjan!
Ito ang aasahan sa nalalapit na Pagsanjan Bangkero Festival ngayong darating na Marso 29 hanggang Abril 2, 2011.
May temang “Turismo Sa Pagdiriwang ng Pagkakaisa at Kaunlaran Ng Pagsanjan,” ang limang araw na pagdiriwang ay pangungunahan ni Pagsanjan Mayor Maita Javier-Ejercito at mamamayan ng Pagsanjan.
Itinuturing na tourist capital ng Laguna ang Pagsanjan na siya ring tahanan ng milagrosong Our Lady of Guadalupe.
Bahagi ng pagdiriwang ang karera ng bangka (regatta), fluvial parade & competition, street dancing, drum and lyre brass bands, trade fairs, painting contest, cookfest, quiz bee, video challenge, Diwata ng Dona Pascuala Cave competition, singing and modern dance contest, Battle of the Bands competition tinawag na Bandigmaan; marathon, triathlon olympics, Best Decorated Best Decorated Banca, Boat Garage and Picnic Sheds, “Palarong Bangkero” na isang world-class performances kabilang ng Bayanihan Philippines National Folk Dance Company of the Philippines, at Sining Katutubo Dance Assembly (Official Cultural Dance Troupe of Laguna).
Magkakaroon din ng annual search para sa Ginoong Bangkero at Lakad at Binibining Pagsanjan at ng Fireworks display.
- Latest
- Trending