^

Bansa

P169 singil sa Skyway

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Bubulaga sa mga motorista ang P169 singil sa Skyway mula Bicutan hanggang Alabang sa kalagitnaan ng Abril.

Ayon kay Ed Nepo­muceno,vice president ng Skyway Corporation, aabot na sa kabuuang 80 kilometro ang sakop na kalsada ng Skyway.

Itataas sa P169 ang toll fee kasama ang ipapataw na buwis mula sa da­ting P120 na singil mula sa Makati hanggang Bicutan.

Tiniyak naman ni Ne­pomuceno na dumaan sa mabusising structural design ang idinagdag na kalsada ng Skyway kaya nakatitiyak sila na ligtas kahit pa magkaroon ng malakas na paglindol sa Metro Manila.

Sinabi naman ni Engr. Jaime Cancio, struc­tural designer ng Skyway, mas pinatibayan ang mga ginamit na materyales sa Skyway para makatiyak na ligtas itong gamitin ng publiko.

Tiniyak din ni Cancio na nakapuwesto ang Skyway lihis sa West Valley Fault line, kaya kahit pa magkaroon ng lindol ay hindi maaapektuhan ang istruktura nito.

ABRIL

ALABANG

BICUTAN

ED NEPO

JAIME CANCIO

METRO MANILA

SKYWAY

SKYWAY CORPORATION

TINIYAK

WEST VALLEY FAULT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with